Exhibitionist dinakma sa bus

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng 26-anyos na Criminology graduate matapos arestuhin ng pulisya na nagpaparaos sa loob ng pampasaherong bus sa Ilocos Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Benyfer Pedronan ng Barangay Malasin sa bayan ng Bangui, Ilocos Norte.

Lumilitaw na itinawag ng Pasuquin PNP kay P/Senior Insp Arnel Tabaug, hepe ng Burgos PNP ang reklamo ng dalawang pasaherong dalaga na nakatabi ni Pedronan sa pampasaherong bus kung saan nagpakita ito ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

Nabatid na unang tumabi kay Pedronan ang estudyanteng babae subalit agad itong lumipat ng upuan sa bus nang mapansin na hinihimas ng suspek ang kanyang ari.

Kasunod naman na tumabi ang isa pang dalagang nur­sing student subalit lumipat din agad ng upuan matapos mamataan ang pagpaparaos ni Pedronan.

Agad naman na pinara ng mga awtoridad ang sinasakyang bus ng mga nagrereklamo kung saan naabutan pa ng pulisya ang suspek na nakababa ang zipper ng pantalon kaya kaagad na dinakma.

Show comments