Tulak, holdaper pinabulagta

BULACAN - Dalawang kalalakihan ang iniulat na napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Resty Santos, 33, ng Villa Milagrosa Subd., Novalichez, Quezon City; at Vandolf Plana, 23, ng Brgy. Gumaoc East, San Jose Del Monte City, Bulacan.Tugis naman ang apat na suspek kabilang na si Iman Shariff ng Brgy. Bagong Silang, Caloocan City. Sa ulat ni PO1 Marlon Martus lumilitaw na nakipagkita si Santos kay Shariff sa bahagi Pleasant Hills Subd. upang bumili ng shabu subalit niratrat ito ng mga suspek. Samantala, niratrat at napatay din si Plana ng tatlong di-kilalang kalalakihan sa Barangay Gumaoc East. Base sa pagsisiyasat, si Plana ay sinasabing sangkot sa serye ng holdapan kung saan pinaniniwalaang onsehan sa partihan ang isa sa motibo kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments