^

3 bagets nalunod sa ilog

- Arnell Ozaeta (The Philippine Star) - August 27, 2012 - 12:00am

BATANGAS, Philippines  - Tatlong binatilyo ang iniulat na namatay matapos malunod habang nanghuhuli ng talangka sa Pansipit River sa bayan ng Agoncillo, Batangas kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina King David Cuarto, 12; George Francis Ferea,14; at si Edgar John Cabrera,14 pawang mga nakatira sa Barangay Bagong Sikat sa nabanggit na bayan.

Ayon sa police report, naliligo ang mga biktima habang nanghuhuli ng talangka sa nasabing ilog sa Barangay Pansipit nang tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Unti-unting nilamon ng tubig hanggang sa tuluyan malunod bandang alas-10:45 ng umaga.

Matapos ang ilang oras na pagsagip sa mga biktima, isinugod pa sa Batangas Provincial Hospital subalit idineklarang patay ni Dra. Divina Landicho.

“Hindi naman masama ang panahon ng maganap ang insidente, sadya lang talagang malakas ang current ng ilog kaya sila tinangay sa malalim,” kwento ng isang residente.

AGONCILLO AYON BARANGAY BAGONG SIKAT BARANGAY PANSIPIT BATANGAS PROVINCIAL HOSPITAL DIVINA LANDICHO EDGAR JOHN CABRERA GEORGE FRANCIS FEREA KING DAVID CUARTO PANSIPIT RIVER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with