Misis tinodas ni mister

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napatay ang 23-anyos na misis ng kanyang mister matapos itong gulpihin sa harapan ng dalawa nilang anak sa Barangay Rizal sa bayan ng Diffun, Quirino kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang overseas Filipino worker na si Noemi Saltat habang tinutugis naman ang suspek na si Renato Saltat, 34. Nabatid na nagdilim ang pa­ningin ng mister matapos mabasa ang text message sa cell phone ng kanyang asawa dahil sa matinding selos. Dito ginulpi at pinukpok ang ulo ng biktima sa harap ng kanilang mga anak hanggang sa mapatay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments