^

Probinsiya

Bangkay isiniksik sa bakanteng nitso, 13-anyos dalagita nanlaban sa rapist, kinatay

- Cristina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 13-anyos na dalagitang estudyante na nanlaban sa rapist matapos pagsasaksakin ay isiniksik pa ang bangkay sa bakanteng nitso sa sementeryo ng Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Joselle Asero ng Barangay Maliksi 3 sa nabanggit na lungsod.

Positibo namang kinilala ng dalawang testigo ang suspek na si Nilo Paez, 36, magbobote at kapitbahay ng biktima.

Napag-alamang isa sa testigong si Darwin Quillope ay pauwi kung saan dumaan ito sa loob ng sementeryo habang ang isa pang testigong si Ricks Sarmiento ay naglilinis ng damo sa puntod nang kapwa marinig ang sigaw ng dalagita.

Kaagad nilang tinungo ang pinanggalingan ng sigaw at dito naaktuhan nila ang suspek na sinasaksak ang biktimang nanlalaban sa tangkang panghahalay.

Matapos mapatay ay mabilis na hinila ng suspek at isiniksik sa bakanteng nitso saka tinakpan bago tumakas.

Ipinaabot naman sa ilang opisyal ng barangay ang nasaksihang krimen kung saan tinungo ang pinaglagyan sa bangkay ng biktima.

Nasakote naman ang suspek sa loob ng kanyang bahay kung saan tulala at puno pa ng dugo ang mga kamay at katawan na sinasabing lango sa bawal na droga.

May teorya ang pulisya na tangkang halayin ang biktima subalit nanlaban ito kaya naganap ang karumal-dumal na krimen.

vuukle comment

BACOOR CITY

BARANGAY MALIKSI

CAVITE

DARWIN QUILLOPE

IPINAABOT

JOSELLE ASERO

KAAGAD

KINILALA

NILO PAEZ

RICKS SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with