Kuya tinodas ni utol

TUGUEGARAO CITY , Philippines - Away-trapiko ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 45-anyos na mister ng kanyang bunsong kapatid na lalaki sa Barangay Surcoc sa bayan ng Naguilian, Isabela kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cristopher dela Cruz habang naaresto naman ang suspek na si Joel dela Cruz, 40, barangay tanod. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Vicente Valdez, hepe ng Isabela Police Community Relations Office, lumalabas sa imbestigasyon na sinita ng suspek ang kanyang utol dahil sa paglabag sa batas trapiko kung saan nauwi sa matinding pagtatalo. Dito na pinaputukan ang biktima matapos ang pagtatalo ng mag-utol habang pormal naman kakasuhan ang suspek.

 

Show comments