Amok na tanod, tinodas

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Naging mitsa ng kamatayan ng isang Brgy. Tanod ang paga-amok nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Alwyn Coloma Pagaran, 34 anyos at residente ng Brgy. Madupayas, Badoc sa nabanggit na lalawigan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, una umanong nanggulo ang la­sing na biktima sa bahay ng kamag-anak ng kanyang misis at isinunod ang kanilang tahanan kung saan sinasa­bing sinira pa nito ang pintuan ng kanilang bahay.

Papasok sana ang nagwawalang biktima sa tahanan ng kanyang biyenan nang biglang umalingaw­ngaw ang isang putok ng baril na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng .45 cal na pinaniniwalaang ginamit ng hindi pa natutukoy na salarin. Victor Martin at Raymund Catindig

Show comments