^

Probinsiya

Magsyota inararo ng sasakyan

- Tony Sandoval - The Philippine Star

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pamamasyal ng magkasintahan matapos na sila ay araruhin ng pick-up na minamaneho ng senglot na chief security ng poultry farm sa Quezon Avenue, Barangay 7 sa Lucena City, Quezon, kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si John Paul Mendeja ng Barangay Ibabang Dupay habang patuloy na ginagamot sa Quezon Medical Center ang kasintahan nitong si Glaven Guinto, 19, ng Barangay Ibabang Iyam. Sa ulat ni SPO1 Alan Ocampo, naglalakad sa gilid ng gusali ng OPM ang magkasintahan nang salpukin ng L-200 pick-up ni Arnel Regencia, 41, kawani ng Quezon Poultry and Livestock Corporation. Nakaladkad ng may ilang metro ang magkasintahan kaya nagtamo ng grabeng kapinsalaan. Agad namang naaresto ang suspek at sa himpilan ng pulisya ay nabatid na may nakabinbin pa itong kaso na frustrated murder.

vuukle comment

ALAN OCAMPO

ARNEL REGENCIA

BARANGAY IBABANG DUPAY

BARANGAY IBABANG IYAM

GLAVEN GUINTO

JOHN PAUL MENDEJA

LUCENA CITY

QUEZON AVENUE

QUEZON MEDICAL CENTER

QUEZON POULTRY AND LIVESTOCK CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with