Jeepney vs jeepney: 25 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawampu’t lima katao ang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng national highway ng Lumbia sa lungsod ng Cagayan de Oro City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bandang alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang sakuna sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, karamihan sa mga sugatan ay mga estudyante at guro ng Lumbia City High School.

Sa imbestigasyon, isa sa pampasaherong jeepney ang nawalan ng preno bunsod upang makabanggaan nito ang kasalubong na isa ring pampasaherong jeepney na bumabagtas sa lugar.

Samantala, agad namang sumuko sa Lumbia Police ang driver ng pampasaherong jeepney matapos ang aksidente.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng masu­sing imbestigasyon sa kasong ito.

Show comments