Konsehal lasog sa granada

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nagkalasug-lasog ang katawan ng 44-anyos na barangay councilor habang grabe namang nasugatan ang kanyang pinsan matapos su­mabog ang pinaglaruang granada sa Barangay Aguddan sa bayan ng Peñablanca, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Councilor Luciano Lopez Jr. , 44, miyembro ng Rescue 24 at nakatira sa nabanggit na barangay. Isinugod naman sa pinakamalapit na ospital ang nasugatang pinsan na si Rogelio Lopez. Ayon sa imbestigasyon, nagtungo sa nasabing lugar ang magpinsan para bumili ng baboy para sa idaraos na okasyon. Napag-alamang napulot ni Rogelio ang granada pero kinuha naman ng biktima at pinaglaruan. Sumabog ang granada sa mga palad ng biktima kaya nagutay ang katawan nito habang malubha naman ang pinsang si Rogelio.

Show comments