^

Probinsiya

Dalagang pinalitan ng nobyo, nag-suicide

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Sa sobrang dalamhati sa pagkakaagaw ng ibang babae sa kanyang nobyo, nagdesisyon ang 22-anyos na dalaga na magpakamatay matapos itong tumalon sa malalim na bahagi ng Magat Dam sa bayan ng Ramon, Isabela kahapon.

Natagpuan ng pulisya ang naaagnas na bangkay ni Lanie Jane Segundo kahapon sa irigasyon ng Barangay Malapat sa bayan ng Cordon, Isabela.

Sa ulat ni SPO4 Bernard Labog, si Segundo na nakatira sa Barangay Ambatali sa bayan ng Ramon, ay napaulat na nawawala noon pang araw ng Linggo.

Nabatid na nag-iwan ng suicide note ang biktima sa kanyang mga magulang na magpapakalunod ito sa dam dahil sa sinasabing inagaw ni Helen ang kanyang nobyong si Francis na pinaniniwalaang taga-Laguna.

Inihabilin pa ng dalaga na i-upload ang larawan ng kanyang bangkay na nakahimlay sa kabaong at i-tag sa Facebook account ng kanyang nobyo at ang bago nitong minamahal.

vuukle comment

BARANGAY AMBATALI

BARANGAY MALAPAT

BERNARD LABOG

FACEBOOK

INIHABILIN

ISABELA

LANIE JANE SEGUNDO

LINGGO

MAGAT DAM

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with