Magsasaka, obrero pinabulagta

CAVITE, , Philippines   – Dalawa-katao ang iniulat na napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa. Naunang pinatay ang magsasakang si Crisanto Paredes, 40, matapos itong ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Pasong Buaya 1 sa nabanggit na bayan. Samantala, si Jerry Ricardo, 45, ay pinagtataga naman ng suspek na si Orlando Tagle matapos malasing sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Barangay Pasong Buaya 2. Idineklarang patay sa Prime Global Care Hospital si Ricardo.

Show comments