2 dakma sa nakaw na manok

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang sibil­yan matapos madakma ng pulisya sa aktong nagnanakaw ng mga panabong na manok sa Barangay Balubad 2nd sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa. Nadakip naman ang mga suspek na sina Joel Picardal, 35, guard ng Nene Aguilar’s farm, stay-in, at Pablo Bautista, 43, habang tugis naman ang tatlong iba pang suspek na nakilala lamang sa mga alyas Insot, alyas Allan Bulag at alyas Glenn. Sa ulat ni PO2 April Jo Ambojia, nasakote ang mga suspek sa pagnanakaw ng 10 panabong na manok na pag-aari ni Jose Gonzales ng Almanza Uno, Las Piñas City. Napag-alamang aabot na sa 400 panabong na manok ang nawawala sa farm ni Gonzales.

Show comments