Magsasaka nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Isa na namang magsasaka na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Malingatong, Barangay Canvarez sa bayan ng Batuan, Masbate, kahapon ng umaga. Nabatid na nagbibilad ng kopra ang biktimang si Erwin Mitra, 47, nang lapitan at ratratin ng tatlong kabataang rebelde. Napag-alamang malimit pagbantaan ng mga rebelde ang biktima dahil sa paniniwalang asset ng militar at pulisya. Itinanggi naman ng pamilya ang akusasyon ng mga rebelde at sina­bing simpleng magsasaka lamang ang biktima.

Show comments