Ika-5 wanted arestado

CAMARINES NORTE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 39-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong frustrated murder matapos itong naaresto ng mga miyembro ng Camarines Norte Public Safety Company, Provincial Intelligence Section at Labo Municipal Police Station sa Purok 6, Barangay Masalong sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamaka­lawa ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Arniel Dating ng Daet Regional Trial Court Branch 431, arestado ang suspek na si Marvin  Romero. Sa record ng pulisya, sinabi ni P/Supt. Efren Tublan na ang nasabing suspek ay nasa ika-5 sa talaan ng most wanted person. Inirekomenda naman ang P.2 milyong piyansa sa kanyang pansamantalang kalayaan habang ito ay kasalukuyang nakakulong. 

Show comments