^

Probinsiya

Pagpatay sa kagawad, nasilat

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakaligtas sa kamatayan ang 48-anyos na kagawad ng barangay matapos na ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa Barangay Guyong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gerardo Pantaleon ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO3 Rex Belli Tamani, lumilitaw na binabakuran ng biktima ang bisinidad ng simbahan katuwang ang kanyang manugang at anak nito nang biglang lapitan at pagbabarilin ang dalawang lalaki na nakasuot ng pantalon ng PNP. Tinamaan sa batok saka lumagos sa pisngi ng biktima ang mga bala ng cal.45 pistol kung saan tumakas ang apat na kalalakihan na lulan ng dalawang motorsiklo. Nabatid na tinangkang patayin ang biktima habang nasa loob ito ng kanilang bahay noong Hulyo 4, 2011 subalit nakaligtas.

BARANGAY

BARANGAY GUYONG

BIKTIMA

BULACAN

GERARDO PANTALEON

HULYO

KINILALA

NABATID

REX BELLI TAMANI

TINAMAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with