Company guard nag-suicide

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Sabog ang bao ng ulo at namatay noon din ang 29-anyos na company guard makaraang magbaril sa harap mismo ng kanyang asawa kamakalawa ng tanghali sa Barangay Mayao Crossing, Lucena City, Quezon. Ayon kay PO2 Randy Buenaventura, dakong alas-12:30 ng tanghali ay lasing na dumating ang biktimang si Meynardo Dudas sa kanilang bahay at walang sabi-sabing pinagsisipa ang mga timba na may lamang tubig. Nang tanungin ito ng asawa kung ano ang dahilan ng paghuhuramentado ay binunot nito sa beywang ang cal. 45 pistol saka ipinutok sa kanyang ulo.

Show comments