Nene nabagsakan ng puno, pisak

QUEZON, Philippines - Basag ang ulo, bali ang ilang bahagi ng katawan ng 10-anyos na batang babae matapos mabagsakan ng puno ng niyog sa construction site ng DPWH sa Purok Marang, Brgy. Gumian sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa ng umaga.

Ayon kay PO3 Aurelio Turing, dakong alas-6 ng umaga, namumulot ng mga bunga ng niyog ang biktimang si Shellyn Azoque sa compound ng ginagawang small water impounding project ng DPWH.

Tiyempo namang nag­lilinis ng mga pinutol na puno ng niyog ang driver ng backhoe na si Roger Napili Jr. ng Lucena City.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay humulagpos sa backhoe ang malaking puno ng niyog at tuluyang bumagsak sa batang babae.

Nasa kustodya ng pulisya ang driver ng backhoe at pormal na kakasuhan ng pulisya.

Show comments