^

Probinsiya

Lola pinatay sa sakal

-

CEBU Brutal na kamatayan ang sinapit ng 70-anyos na lola matapos pagpapaluin ay sinakal pa ito hanggang sa mapatay ng kanyang kaanak na lalaki noong Linggo ng gabi sa Barangay Lawaan sa bayan ng Dumanjug, Cebu.

Natagpuan ni Generoso Gimarino, 51; at ng ba­rangay tanod ang bangkay ni Sansa Belocura sa madamong lugar sa nasabing barangay.

Sa pagsusuri ng municipal health officer, lumilitaw na nagkabali-bali ang ribs ng biktima at may pa­latandaang sinakal hanggang sa mapatay.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakma naman ang suspek na si Arnold Belocura sa kanyang bahay sa nasabing barangay.

Ayon kay SPO1 Felipe Vibar, papauwi na ang biktima nang makasalubong ang suspek na lango sa alak bago isinagawa ang krimen.

Nabatid na kalimitang hindi nagbibigay ng pera ang biktima kapag humi­hingi ang suspek.

Sa presinto ay itinanggi naman ng suspek ang krimen subalit mariin namang isiniwalat ng kanyang pinsan na naikuwento sa kanya ng una ang sama ng loob sa biktima. Freeman News Service

vuukle comment

ARNOLD BELOCURA

AYON

BARANGAY LAWAAN

CEBU

DUMANJUG

FELIPE VIBAR

FREEMAN NEWS SERVICE

GENEROSO GIMARINO

LINGGO

SANSA BELOCURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with