Ama dinedo sa harap ng mag-iina

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 34-anyos na magsasaka matapos na ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang mag-iina sa kanilang tahanan sa Sitio Malidbid, Barangay Bulalacao sa bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Lumilitaw na nanonood ng telebisyon ang biktimang si Jovic Estrallado kasama ang kanyang mag-iina nang pagbabarilin bandang alas-8 ng gabi. May teorya ang pulisya na inakalang tiktik ng militar at pulisya ang biktima kaya pinatahimik.

Show comments