16-anyos inagawan ng bike, inutas

QUEZON, Philippines - Inagawan na ng motorsiklo at saka pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang 16-anyos na tinedyer ng dalawang kalalakihan na nagrenta ng kanyang sa­sakyan kamakalawa ng gabi sa Purok Isdaan, Barangay Rosario sa ba­yan ng Lopez, Quezon.

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan kahapon ng umaga ang biktimang si Alex Nombela ng Barangay Logotin.

Samantala, nakilala naman ang isa sa suspek na si Jomar Sabila kung saan pinaghahanap na ng pulisya.

Batay sa salaysay ni Joselito Vinegas, pinsan ng biktima kay PO1 Janice Villarubia, noong Lunes ng gabi ay inarkila ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima at nagpahatid sa Barangay Magsaysay su­balit hindi na ito nakauwi hanggang sa bangkay na nang matagpuan.

Show comments