Kamatayan sa beranda

CAVITE, Philippines – Posibleng may kaugnayan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya binoga at napatay ang 27-anyos na lalaki sa beranda ng kanilang tahanan sa Barangay Panungyanan, General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Hindi na nakatayo sa pagkakaupo ang biktimang si Alvin Ocillos habang tumakas naman ang suspek na si Arturo “Boy” Andaya na gumagamit ng alyas Carino Paterno. Napag-alamang nakausap pa ng biktima ang suspek kung saan nauwi sa matinding sagutan hanggang sa umalingawngaw ang malakas na putok ng shotgun kung saan duguang bumulagta ang biktima.

Show comments