Pulis tinodas ng utol

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dahil sa matagal na kinikimkim na panibugho sa isa’t isa, isang pulis sa bayan ng San Quintin, Abra ang binaril at napatay ng sariling kapatid na lalaki sa Barangay Sulvec sa bayan ng Pidigan, Abra kamakalawa. Base sa imbestigasyon na lango sa alak ang suspek na si Ernesto Apolinar na tumungo sa bahay ng kuya nitong si SPO2 Geronimo Apolinar kung saan hinamon at sinigawang lumabas. Pagtapak pa lamang sa labas ng pintuan, agad naman itong binaril ng suspek sa dibdib kung saan agad na bumulagta ang biktima. Nasakote naman ng mga barangay tanod ang suspek bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Show comments