^

Probinsiya

Collector ng banko pinabulagta

-

QUEZON, Philippines - Sabog ang ulo at namatay noon din ang messenger / collector ng bangko matapos na barilin ng riding-in-tandem kung saan tinangay pa ang collection money nito na P.5 milyon sa panibagong karahasang naganap kamakalawa ng umaga sa Sitio Arias, Barangay Isabang sa Tayabas City, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Alexander Obleno, 30, may-asawa, ng Barangay 5, Sariaya, Quezon at messenger/collector ng Rural Bank of Tagkawayan, Sariaya branch.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Felicio Labitigan, dakong alas-9:45 ng umaga nang bumaba ng pampasaherong bus ang biktima mula sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Nabatid na sumakay muli ang biktima sa passenger jeepney na patungo sa Lucena City.

Dito na mabilis na lumapit at binaril sa ulo ang biktima saka kinuha ang bag na naglalaman ng malaking halaga, mga tseke at dokumento ng banko. Tony Sandoval at Michelle Soleta

vuukle comment

ALEXANDER OBLENO

BARANGAY ISABANG

FELICIO LABITIGAN

LUCENA CITY

MICHELLE SOLETA

QUEZON

RURAL BANK OF TAGKAWAYAN

SARIAYA

SITIO ARIAS

TAYABAS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with