Lolo, 2 bata pisak sa trak

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang batang lalaki at isang lolo ang iniulat na nasawi matapos madaganan ng bumaliktad na trailer truck ng mais sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Barangay Nagsabaran sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya kahapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Remencio Culinao, hepe ng Diadi PNP, ang mga nasawi na sina Trisha Polagon, Princess de Guzman na kapwa 6-anyos at si Dominador Marso, 60. Ayon sa police report, ang dalawang bata ay sinasabing naglalakad lamang sa gilid ng kalsada nang madaganan ng trailer truck na may kargang tatlong toneladang mais. Samantala, si Marso ay kasama ng apat pang sugatan na sakay ng motorsiklong nahagip ng bumaliktad na truck ng mais. Ang driver ng truck na si Danilo Manzano, 32, ay sugatan kung saan dinakma ng pulisya sa ospital. ­

Show comments