Mag-lover utas sa ambush

MANILA, Philippines - Napaslang ang mag-lo­ver matapos ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan na lulan ng owner-type jeep kamakalawa ng umaga sa Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Napuruhan sa ulo si Tere­sita Gal habang namatay naman sa United Candelaria Doctors Hospital si Enrico Limueco na kapwa nakatira sa bayan ng Calatagan, Batangas.

Sa ulat ni SPO3 Menardo del Mundo, lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo  (WU 6728) ang dalawa patungo sa bayan ng San Juan, Batangas nang pagbabarilin pagsapit sa nabanggit na barangay.

Sa follow-up operation ng pulisya, natuklasang may relasyon ang dalawa batay sa mga text messages na nadiskubre sa kani-kanilang cell phone.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong matinding selos ang isa sa motibo sa pamamaslang at hindi sa bayan ng Candelaria nakatira ang dalawa at doon lamang pinabulagta para iligaw ang mga imbestigador.

Show comments