Mag-ina nilamon ng apoy

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-ina matapos makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City, Cebu kahapon ng umaga.

Kinilala ni Lapu-Lapu City fire chief Investigator  SFO2 Ignacio Danoso ang mag-inang Bella Deloso, 76; at ang anak na sinasabing special child na si Jewel Deloso, 32.

Nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas -6:30 ng umaga sa tahanan ng mag-inang Deloso sa Phase 1, Camella Homes sa nasabing barangay.

Nabigong mailigtas ang mag-ina dahil sa makapal na usok na bumabalot sa kanilang bahay kung saan naapula ng mga bombero ang apoy dakong alas- 8 ng umaga.

Ang halos hindi na makilala  ang natustang bangkay ng mag-inang magkayakap na natagpuan sa kanilang kuwarto.

Pinaniniwalaan namang nag-init na linya ng kuryente na nakadikit sa manipis na dinding kaya mabilis na nag-apoy habang patuloy naman ang imbestigasyon kung saan aabot sa P .2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

Show comments