Mangingisda lunod sa ilog

BULACAN  ,Philippines – Nasawi ang 18-anyos na mangingisda matapos lumubog ang bangkang sinalpok ng kanyang kabaro sa ilog ng Paombong, Bulacan kahapon. Bandang alas-10:30 ng gabi nang malunod ang biktimang si Oliver Evangelista habang nasakote naman ang suspek na si Larry dela Cruz, 42, katiwala sa palaisdaan at nakatira sa Barangay Binakod.

Lumilitaw na lumubog ang bangka ng biktima matapos salpukin ng bangka ng suspek na sinasabing lango sa alak. Ayon sa utol ng biktima na si Juanito Evangelista, imbes na tulungang ng suspek na maiahon ang kanyang utol ay pinalo pa ng sagwan kaya tuluyang nalunod.

Show comments