UPLB Stude todas sa holdaper

MANILA, Philippines - Napaslang ang 19-anyos na estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) matapos saksakin ng isa sa dalawang holdaper malapit sa gate ng nasabing pamantasan kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa dibdib at idineklarang patay sa Los Baños Doctors Hospital ang biktimang si Ray Bernard Peñaranda, agriculture student at nakatira sa bayan ng Tanay, Rizal.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, naganap ang krimen sa bisinidad ng F. Santos Street sa Barangay Batong Malaki ganap na alauna y medya ng madaling araw.

Papauwi na ang biktima sa inuupahang apartment kasama ang kaniyang kaibigan nang harangin ng motorcycle-riding holdaper paglabas ng campus.

Sinasabing pumalag ang biktima kaya sinaksak ito ng isa sa dalawang holdaper habang nakatakbo naman ang kaklase nito para humingi ng tulong.

Samantala, ipinag-utos ni P/Chief Supt. James Andres Melad ang pagsibak sa puwesto ng hepe ng pulisya sa Los Baños na si P/Supt. Dante Novicio dahil sa sinasabing magkasunod na krimen sa nasabing lugar.

Show comments