^

Probinsiya

Sekyu patay sa boga

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

CABANATUAN CITY, Nueva, Ecija ,Philippines - Namatay noon din ang isang security guard makaraang maputukan ng kanyang sariling service firearm nang kanyang aksidenteng mabitawan ito habang naidlip sa binabantayang gusali ng isang paaralan sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Bitas ng lungsod na ito, kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Florian Moreno, 32, may-asawa, isang security guard mula sa JF Security Service Inc., nakatira sa Batisan Street, Brgy. Aduas Norte at nakatalagang panggabing guwardiya sa Midway Maritime Foundation Incorporated. Bandang alas-4 ng madaling-araw noong Huwebes, sandaling nakatulog umano ang biktima sa nasabing gusali ngunit hindi inaasahan ay nabitiwan niya ang kanyang service firearm na Norinco caliber 9mm, na may serial no. 47021176, na tumama sa konkretong sahig.Sa lakas umano ng pagkakabagsak nito ay aksidenteng pumutok ang baril at tumama ang bala nito sa kaliwang hita at tumagos palabas ng kanyang dibdib ng biktima na siya nitong ikinasawi.

vuukle comment

ADUAS NORTE

BANDANG

BATISAN STREET

BITAS

BRGY

FLORIAN MORENO

HUWEBES

MAHARLIKA HIGHWAY

MIDWAY MARITIME FOUNDATION INCORPORATED

SECURITY SERVICE INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with