Ambush: 2 tumba, 1 grabe

CAVITE, Philippines – Napatay ang magkaibigang lalaki habang malubha naman ang isa nilang kasamahan makaraang tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay H2 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napaslang na sina Herminigildo Camarse,  39; at Ryan Buga Buga, 27, habang kritikal naman si Erwin Espiritu na pawang nakatira sa Barangay Lalaan, Silang, Cavite. Base sa police report, lulan ng owner-type jeep (VBB 491) ang mga biktima nang harangin at pagbabarilin ng grupo ng kalalakihan. Narekober sa crime scene ang 16 na basyo ng malalaksa na kalibre ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments