Lola nilamon ng apoy

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang 84-anyos na bulag na lola makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Balingong East ng bayan ng Guimba, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi. Sa ulat ni P/Insp. Arnaldo Mendoza Jr., deputy chief of police ng Guimba, kinilala ang biktima na si Anita del Rosario. Nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-5:30 ng hapon kung saan biglang sumiklab ang talop na linya ng kuryente sa bahay ng manugang ng biktima. Wala namang nasugatan kung saan idineklarang fire out ganap na alas-7:40 ng gabi.

Show comments