^

Probinsiya

Mister tiklo sa pananaga ng ama

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

ZARAGOZA, Nueva Ecija ,Philippines  – Arestado ang isang 25-anyos na lalaki makaraang pagtatagain nito ang kanyang ama nang tangkain lamang ng huli na payapain ito sa pananakit ng paslit na anak sa bahay ng suspek sa Brgy. Batitang sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong frustrated parricide ang suspek na si Cipriano Alberto, may-asawa, ng naturang lugar.

Nataga sa kanyang ulo at kaliwang balikat ang ama na si Artemio Alberto, 55, may-asawa ng Brgy. Mayamot ng bayang ito, habang tinatangka nitong pakalmahin ang galit na galit na suspek na nanuntok at nanipa ng 2-anyos na anak na nakilalang si Russel Alberto. Bandang alas-4:30 ng hapon, dumating na lasing ang suspek sa kanilang bahay at nakipagtalo sa misis nito hanggang sa mapagbalingang saktan ang paslit na anak. Sumaklolo naman ang lolo ng bata pero ito naman ang sinugod ng taga ng suspek.

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Ramos Hospital ang biktima habang nanghihimas ng rehas na bakal ngayon sa detention cell ng Zaragoza Police Station ang suspek.

vuukle comment

ARESTADO

ARTEMIO ALBERTO

BANDANG

BATITANG

BRGY

CIPRIANO ALBERTO

NUEVA ECIJA

RAMOS HOSPITAL

RUSSEL ALBERTO

ZARAGOZA POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with