3 kotseng karnap narekober sa showroom center

TUGUEGARAO CITY ,Philippines  - Nasabat ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang tatlong sasakyan na pinaniniwalaang kinarnap kung saan ibinebenta sa car showroom center sa Barangay Alinguigan 2nd sa kabisera ng Ilagan, Isabela kamakalawa.

Sinabi ni PNP-Highway Patrol Group Regional Director P/Senior Supt. Ricardo Espiritu, naunang sinita  ng kanyang mga tauhan si Henry Ferrer, dating staff sa office of the Mayor habang minamaneho ang bagong Hyundai Accent sedan na walang plaka sa bisinidad ng Barangay Baligatan sa nasabing bayan.

Sa beripikasyon sa Vehicle Information Management System ng PNP na ang sasakyan ni Ferrer ay nasa listahan ng mga stolen

vehicles at pag-aari ng isang nagngangalang Warren Ceballos ng Pasig City. Agad namang isinuko ni Ferrer ang kotse kung saan itinuro ang display center na pag-aari ni Lilibeth Miranda.

Dalawa pang kotse na sinasabing kinarnap sa ibang lugar ang nadiskubre matapos ang ilang oras na beripikasyon ng pulisya.

Show comments