3 fetus itinapon sa dumpsite

QUEZON  ,Philippines — Tatlong fetus na itinapon ng 'di-kilalang babae ang natag­puan ng basurero sa dumpsite sa Barangay Villa Padua, Gumaca, Quezon, kamaka­lawa ng gabi.

Ayon kay SPO2 Eman Orivida, ang nasabing mga fetus ay pawang nakalagay sa magkakahiwalay na tatlong bote nang matagpuan ng basurerong si Juanito Callosa dakong alas-8:30 ng gabi. Agad na dinala sa Gumaca District Hospital ang mga fetus na pawang nakababad sa formalin at ang dalawa dito ay nasa stage of decomposition na.

Show comments