Misis tinodas; suspek nag-suicide

QUEZON, Philippines — Patay agad ang isang 49-anyos na misis matapos barilin ng kanyang kapitbahay kung saan nagbaril din sa sarili ang suspek ilang oras matapos isagawa ang krimen sa Purok Gumamela, Barangay Comon sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang binaril na si Herminia Serafines, samantala, ang bumaril na sinasabing nagbaril sa ulo ay si Jose Par, 60. Ayon kay PO2 Adrian Coralde, dakong alas-3-30 ng hapon nang bumaba sa traysikel si Serafines kung saan nilapitan at binaril ni Par. Kaagad na nagkulong sa ikalawang palapag ng kanyang bahay si Par subalit ilang minuto ay nagbaril ito sa ulo sa hindi nabatid na dahilan. 

Show comments