^

Probinsiya

'Kidnap me' iniimbestigahan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang anggulong ‘kidnap me’ sa kaso ng pagdukot sa cooperative manager noong Sabado sa bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur .

Ayon kay P/Senior Supt. Jose Bayani Gucela, Zamboanga del Sur PNP director, naghinala ang mga imbestigador sa kaso ng pagdukot kay Remita Daway, 50, cooperative manager.

“We are looking it as kidnap me dahil may problema sa cooperative na hindi pa naayos tungkol sa usaping pananalapi,” pahayag ni Gucela.

Batay sa ulat , ini-report ng pamilya ng biktima sa pulisya ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa Barangay Campo Islam.

Lumilitaw na nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at tangayin ng mga armadong kalalakihan na sinasabing tumawag noong Sabado ng gabi at nagde-demand ng P3 mil­yong ransom na ibinaba sa P1.5 milyon hanggang P.5 milyon kapalit ng kaniyang kalayaan. Gayon pa man, sa pagsisiyasat ay sinabi ng mga nagbabantay sa Cafgu detachment malapit sa pinangyarihan ng insiden­te na walang naganap na komosyon ng maganap ang insidente.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CAMPO ISLAM

BATAY

CAFGU

GAYON

GUCELA

JOSE BAYANI GUCELA

REMITA DAWAY

SABADO

SENIOR SUPT

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with