2 karnaper dedo sa shootout

NUEVA ECIJA ,Philippines  – Dalawang kalalakihan na sinasabing miyembro ng carnapping group ang iniualt na napaslang matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Felipe Vergara Highway sa Purok 2, Barangay Sta. Arcadia, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Huwebes ng gabi. Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawa kung saan nabawi ang motorsiklo (HM1432) na pag-aari ni Jay Lord Garcia ng Barangay Quezon District. Narekober naman ang dalawang baril. Nabatid na inagaw ng dalawa ang motorsiklo ng biktima sa Villa Luz Subd. sa Barangay Mabini Homesite, Cabanatuan City.

Show comments