Mag-asawa, 3 anak minasaker

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawa at tatlo nitong anak makaraang pagbabarilin ng grupo ng kalalakihan sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Bagang-bagang, Barangay Midtungok sa bayan ng Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat noong Sabado ng mada­ling araw.

Sa ulat ng Army’s re­gional spokesman Lt. Co­­lonel Leopoldo Galon sa Camp Panacan, kinilala ang mag-asawang na­paslang na sina Jolie Fegurac, Josephine, Fegurac, mga anak na sina Jonathan, Jerson at Benei Pelitro sa nasabing bayan.

Napag-alamang natu­tulog ang pamilya Fegurac sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at ratratin ng grupo ni Kinting Watamama.

Isa sa sinisilip na motibo sa krimen ay alitan sa pinag-aagawang lupain at business rivalry.

Patuloy naman ang pagtugis kay Watamama at mga kasamahan nito.

Show comments