Amok: 3 katao bulagta

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Civilian Volunteers Organization ang iniulat na nasawi habang isa namang bata ang nasugatan matapos na mag-amok ang kasamahang CVO sa inuman sa Barangay Quimmalaba sa bayan ng Dolores, Abra noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na sina Christopher Baldo, Esmenio at Elmer Peralta habang na­sugatan naman si Remegio Timbresa.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Romeo Buentipo na tumakas bitbit ang shotgun na ginamit sa pamamaril.

Lumilitaw na nag-inuman ang suspek at ang mga kasamahang CVO sa Sitio Bayong at ng malasing ay humantong sa mainitang pagtatalo.

Dahil nasa impluwensya ng alak ay napikon si Buentipo na agad kinuha ang shotgun at niratrat ang mga kasamahang CVO.

Minalas namang tamaan ng ligaw na bala ang batang lalaki na nagkataong nasa bisinidad.

Show comments