6 tiklo sa pot session

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines – Anim-katao kabilang ang isang buntis na babae na sinasabing naaktuhan sa pot session ang nasakote ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Meycauayan City, Bulacan. Kinilala ang mga suspek na sina Vic Buan, 41; Nova Roskie, 41; Anthony Dela Vega, 21; Jovilyn Torres, 20; Jeffrey Navarro, 31; at isang 15-anyos na lalaki ng Brgy. Poblacion 1 sa bayan ng Marilao, Bulacan. Sa ulat ni P/Insp. June Tabigo-on, nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu at listahan ng mga pulisya na sinasabing tumatanggap ng payola mula sa droga. Samantala, hindi naman kinagat ni PO2 Fulgencio Moren ang pagkukunwaring masakit ang tiyan ni Buan para madala sa ospital.

Show comments