3 katao humabol sa undas

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City ,Philippines  — Tatlo katao kabilang ang isang sekyu ang humabol sa Undas matapos masawi sa magkakahiwalay na karahasan sa lalawigang ito kahapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sina Roy Seludo, 58, administrator at security coordinator ng Sta. Maria Industrial Park Corp., ng Guiguinto, Bulacan; Michael Romero, 27-anyos, ng San Jose del Monte City at Francisco Garcia, 60- taong gulang ng bayan ng San Miguel.

Kasalukuyan pang tinutugis ang dalawang salarin na responsable sa pagkamatay ng sekyu at nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Francisco Avingoza, 39, ng San Jose Del Monte City habang tumakas naman matapos ang pamamaril si PO2 Arcadio Dela Cruz 42, nakatalaga sa San Miguel, Bulacan Police na itinurong pumatay sa matanda. 

Base sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Robielos dakong ala-6:30 ng gabi ng pagbabarilin ng dalawang salarin si Seludo gamit ang cal. 45 pistol ng limang beses habang nakahinto ang Mitsubishi Lancer (WBK-716) nito sa Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria.

Bandang alas 9:30 naman ng gabi ay kasalukuyang nag-iinuman sina Romero at Avrigoza na nauwi sa pamamaril ng huli sa biktima. Samantalang dakong alas-10 naman ng gabi habang naglalakad ang ikatlong biktimang si Garcia ng pagbabarilin ng parak na armado ng cal. 45 pistol.

Show comments