OFW itinumba ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang isang 30-anyos na overseas Filipino worker makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa loob ng farm house sa Barangay Osmeña sa bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Elorante Azuero ng Sitio Bun-oco, Barangay Dayao sa bayan ng Mandaon, Masbate. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Jeffrey Fernandez, lumilitaw na nanonood ng palabas sa telebisyon ang biktima na bumisita lamang sa nabiling farm house nang pasukin at pagbabarilin ng mga rebelde. Tinangay ng mga rebelde ang laptop, cell phone, at malaking halaga ng biktima.

Show comments