Mag-ina binoga ng kapitbahay

OLONGAPO CITY, Philippine s – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-ina matapos pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Upper De Guzman Street sa Barangay Gordon Heights sa Olongapo City kamakalawa ng gabi. Naisugod sa James Gordon Memorial Hospital ang mag-inang Josephine De Luna, 28; at Jaslyn De Luna, 11, habang nakaligtas naman ang isa pa nitong anak na lalaki na 8-anyos.Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Melberto “Balbaro” Espino, 60. Ayon kay P/Insp. Edmer Gloria, naaktuhan ng mag-ina ang ginawang pagnanakaw ng suspek sa mga pananim na kamote sa kanilang bakuran. Dahil dito ay pinagsabihan ng mag-ina ang suspek na kaagad naman umalis subalit nang bumalik ay niratrat ang dalawa.

Show comments