Bagets inutas ng lover na bakla

CAVITE, Philippines - Napatay sa saksak ang isang bagets na estudyante ng kanyang lo­ver na bakla bago nag-suicide sa naganap na panibagong crime of passion sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kapwa natagpuang patay sa gitna ng basketball court sa Barangay Pasong Buwaya 2 sina Jeremy  Solayao, 15, ng Villa De Primarosa Subd. Phase 3 sa Barangay Maambog 3, Bacoor, Cavite at Ryan Mag­naye, 25, lover na bakla ng bagets, ng Galayo’s Residence ng B-3, L-1, Richmond Subd.

Sa nakalap na impormasyon nina PO2 Dennis Magsaysay at PO1 Ernesto Dasalla Jr., kilala sa nasabing barangay sina Jeremy at Ryan na magsyota kung saan ay tangkang kakalasan ng bagets ang kanyang lover dahil sa ibang babaeng sinisinta.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nakarating kay Ryan ang balitang may ibang sinisintang babae si Jeremy kaya kinompronta nito ang bagets sa basketball court kung saan naganap ang pananaksak.

Nang mapatay ng bakla ang bagets ay nagsaksak ito sa sarili hanggang sa mamatay kung saan natagpuang ang dalawa na duguang magkatabi.

Narekober ng pulisya ang suicide note ni Ryan na nakasaad na sobrang pagmamahal nito kay Jeremy ay nagawang pumatay at magpakamatay.

Show comments