Mag-utol nagpatayan sa inuman

CAVITE ,Philippines  – Napaslang ang isang 46-anyos na lalaki ng kanyang kapatid matapos malango sa pakikipag-inuman ng alak kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay San Esteban, Dasmariñas City, Cavite. Butas ang bao ng ulo ni Gerald Tipanao habang nakatakas naman ang suspek na si Henry Tipanao, kapwa nakatira sa Blk. 70, Lot 38 sa nasa­bing barangay. Lumilitaw na magkasamang nag-iinuman ang mag-utol nang mapikon ang suspek sa tinuran ng kanyang utol sa hindi nabatid na isyu. Nagpaalam ang suspek na may kukunin sa loob ng kanyang kuwarto at nang bumalik ay isinagawa ang pamamaril sa kanyang kuya.

Show comments