^

Probinsiya

5 grabe sa banggaan

-

Batangas, Philippines  – Lima katao ang nasugatan matapos araruhin ng isang container truck ang dalawang pampasaherong bus sa loob ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway kahapon ng umaga. Ayon kay Elizalde Mediano, STAR Tollway radio operator, nakapila ang Ceres bus(UVA-475) at RRCG bus (PWV-583) sa northbound lane ng toll booth sa Sto. Tomas, Batangas nang banggain sa likurang bahagi ng truck (RJW-644) na minamaneho ni Reynaldo Furiaque bandang alas- 5 ng umaga. Mabilis namang naisugod ang mga sugatan sa St. Cabrini Hospital para lapatan ng lunas. Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan umano ng preno ang truck na may lamang flammable materials hanggang sa mabangga ang mga bus.

vuukle comment

AYON

BATANGAS

ELIZALDE MEDIANO

LUMALABAS

MABILIS

REYNALDO FURIAQUE

SOUTHERN TAGALOG ARTERIAL ROAD

ST. CABRINI HOSPITAL

STO

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with