Negosyante ginilitan

KIDAPAWAN CITY ,Philippines  – Isang 59-anyos na negosyante ang ginilitan at napaslang ng kanyang helper sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Tacurong City noong Biyernes. Bandang alas-7 ng umaga nang na­tagpuan ang duguang katawan ni Virgilio Alcantara Diaz. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rex Ignacio ng Palawan City. Ayon sa imbestigasyon, nawawala ang cash at iba pang mahahalagang gamit ng biktima kaya pagnanakaw ang isa sa motibo ng suspek.

Show comments