Mag-amo kinatay sa tindahan
- Nina Raymund Catindig at Victor Martin () - August 30, 2011 - 12:00am

ILAGAN, Isabela ,Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-amo sa kamay ng mga ‘di-kilalang lalaki matapos pagtulungang tadtarin ng saksak sa pag-aaring apartment na ginawang tindahan sa Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi.

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang mga katawan nina George Uy Arao, 62, biyudo at ang hipag nitong si Lina Dumaliang, may asawa, katiwala sa tindahan ni Arao.

Sa salaysay ng pamangkin ni Arao na si Jenevie Abenilla, naliligo siya sa palikuran nang makarinig ng kaguluhan kung saan kaagad naman niyang sinilip.

Nasaksihan ni Abenilla ang pamamaslang sa katiwalang si Lina kaya kaagad siyang nagtungo sa kuwarto upang magtago at maging ang matandang Arao ay pinaslang din.

Sinisilip naman ang anggulong panibugho ang isa sa motibo ng killer at isinasaisantabi ang anggulong pagnanakaw dahil hindi tinangay ang malaking halaga na hawak ni Arao.   

ABENILLA ARAO CAUAYAN CITY GEORGE UY ARAO ISABELA JENEVIE ABENILLA LINA DUMALIANG NALILIGO NASAKSIHAN SINISILIP
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with