Ina, 2 anak minasaker ng pamangkin

BATANGAS, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong mag-iina matapos pagsasaksakin ng sarili nilang kaanak sa naganap na masaker sa bayan ng Lian, Batangas kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector Joel Laraya, hepe ng Lian PNP station ang mga biktimang sina Merlita Austria, 48; Emmanuel, 28; at si Emelita Austria, 27, pawang nakatira sa Sitio Matuod, Barangay Luyahan sa nasabing bayan.

Tugis naman ng mga pulis ang suspek na si Roldan Mendoza, 26, pamangkin mismo ni Merlita.

Sa police report na nakarating sa Camp Miguel Malvar, napag-alamang nagtalo sina Mendoza at Emmanuel kung saan unang pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

Nadamay naman ang mag-inang Merlita at Eme­lita nang tangkain nilang saklolohan si Emmanuel hanggang kung saan pinagsasaksak din sila ni Mendoza bandang alas-6 ng gabi.

Patuloy pa rin ang manhunt operation laban kay Mendoza habang pa­tuloy naman ang im­bestigas­yon.

Show comments